May napapansin lang ako sa sarili ko, and baka sa iba rin.
Kapag may pumuri, gumagaan yung pakiramdam. Kahit simpleng comment lang, parang may boost. Pero kapag may pumuna, kahit maliit, parang ang tagal niyang nakadikit sa isip. Kahit tapos na yung usapan, dala mo pa rin.
Parang sanay tayo sukatin yung sarili natin base sa reaksyon ng ibang tao. Kung pasado ba. Kung tama ba yung galaw. Kung okay ba sa paningin nila. Ang daming energy napupunta sa pag-aayos ng image, sa pag-iisip kung ano sasabihin, kung ano ang iisipin nila.
Siguro cultural din ‘to. Lumaki tayo na mahalaga ang reputasyon, ang hiya, ang pakikisama. So natutunan natin makita yung sarili natin through other people. Hindi dahil gusto natin, kundi dahil yun yung nakasanayan.
Pero minsan napapaisip ako: kailangan ba talagang ganito?
Kailangan bang laging may approval para masabing okay ka?
Paano kung tahimik lang yung mundo, wala munang reactions, okay ka pa rin ba?
Hindi ko alam yung sagot. Observation lang.
Pero parang ang bigat kapag laging ibang tao yung may hawak ng value mo.
No comments yet. Be the first add one!
Add a Comment