← Back to Menu

Confessions

Minsan, sarili lang pala natin yung jinajudge natin sa iba


Philippines

Napansin niyo ba na a lot of the time, na-ti-trigger tayo sa ugali ng ibang tao dahil iniisip natin, “Kung ako yan, hindi ko gagawin ‘yan”?

Automatic yung comparison. Parang ina-assume natin na pare-pareho tayo mag-isip, mag-feel, at mag-react.

But the truth is, sobrang iba-iba talaga ang mga tao.

May naalala lang ako. Sinabi ko sa kapatid ko na may inner monologue ako sa utak ko, parang may boses na nag-iisip. Sabi niya, parang mental illness daw. Sa kanya kasi, wala nun. Tahimik lang.

That moment made me realize na kahit sa ganung simpleng bagay, ang laki na ng difference. Paano pa kaya sa decisions, emotions, at reactions?
Minsan hindi naman talaga “mali” yung tao.
Hindi lang sila ikaw.

And maybe if we remember that more often, mas konti yung tampuhan, mas konti yung misinterpretation, mas okay yung relationships.

Comments

No comments yet. Be the first add one!

Add a Comment