← Back to Menu

Confessions

Bakit parang pare-pareho na lang ang mga negosyo ngayon?


Napansin niyo ba, ang daming negosyo ngayon na parang copy-paste lang? Same produkto, same peg, same vibes. Iba lang yung pangalan at logo.
Gets ko kung bakit. Ang dali na kasing magsimula ngayon. May China suppliers, may templates, may tutorials. So ang dali ring manggaya.

Pero kapag puro copy ka lang, alam mo na rin yung ending. Price war. Pagalingan magbaba. Tapos reklamo na “ang hirap ng negosyo.”
Kung pareho kayo ng binebenta at pareho kayo ng story, bakit ka pipiliin?

Brand, creativity, sariling point of view. Yan yung hindi madaling kopyahin. Kung wala ka nun, negosyo mo lang din yung papalit sa nauna… hanggang mapalitan ka rin.

Comments

No comments yet. Be the first add one!

Add a Comment